Teksto at larawan ni Tracy Cabrera

PROJECT 3, Lungsod Quezon — Makakaasa ng mga pagbabago ngayong taon sa paghirang bilang chief-executive-officer ng Artist Lounge Multimedia sa negosyanteng si Aaron Khong Hun dahil dala ng graduating law student ang makabagong paniniwala at tapat na paglilingkod.
Nitong nakaraang Linggo ng gabi (Abril 26), pinalad ang inyong lingkod na maimbitahan sa welcome dinner kay Ginoong Khong Hun upang masaksihan ang kanyang magiging adhikain sa ilalim ng kanyang pamumuno sa kompanya.
Ayon sa bagong CEO ng Artist Lounge, pagtutulungan niya ng pansin ang pagpapaunlad ng kanyang mga talent upang mas maging madali silang i-market sa mga nangangailangan ng mga brand ambassador, product endorser, promoter at influence.
Pinunto ni Khong Hun na hindi rin lang paghasa ng husay at talento ang kanilang pagtutuunan dahil pahahalagahan din ang paghubog ng maayos at kaaya-ayang personalidad at karakter na may mataas na uri ng respeto at kababaang-loob.
inedit ni ia/xf
