
PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ng dalawang bebot makaraang gumawa ng eksena sa loob ng isang ospital at sinugod ang isang pasyente na ikinaalarma ng ilang pasyente at dalaw sa Imus City, Cavite.
Kasong paglabag sa Alarms and Scandal, Unjust Vexation, Theft and Slight Physical Injuries ang kinakaharap ng mga suspek na sina alyas Myrna at Dina.
Sa ulat, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang naganap ang eksena sa loob ng ospital sa Bgry Bayan Luma 2, Imus City, Cavite.
Sa ulat, naka-confine ang biktima na si Hilda sa loob ng nasabing ospital nang dumating ang dalawang suspek at kinompronta ng isa sa suspek ang biktima hinggil sa umano’y pakikipag-relasyon nito sa live-in partner ng isa sa suspek. Dahil dito, sinabunutan umano ni alyas Myrna ang biktima at hinarangan nito ang pintuan upang hindi makapasok ang kaibigang dalaw ng biktima.
Si alyas Dina naman ay sinabuyan ng patis ang biktima biktima kaya nagdulot ng tensiyon sa ilang pasyente at mga bisita.
Bukod sa ginawang eksena, tinangay pa ng alyas Myrna ang Honor X90 na cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P19,000.00
Humingi naman ng saklolo ang kaibigan ng biktima na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek. (Gene Adsuara)
Note : Ang ospital, ay ang Our Lay of Pillars Medical Center
ia/xf
