
DILIMAN, Lungsod Quezon — Nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila habang nananatili ang banta ng pagbaha sa mga mabababang lugar o malapit sa daluyan ng tubig ngayong araw ng Lunes (17 Aug 2026) ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa bulletin ng ahensya, pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa patuloy na pagbuhos ng ulan at bantayan ang pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, at iba pa habang pinaghahanda rin ang mga naninirahan kalapit ng nabanggit na lugar sa dagliang paglikas.
Manatiling nakaantabay sa susunod na Rainfall Warning ng PAGASA na ilalabas sa tuwing tatlong oras.
ia/xf
