
Katatapos lamang mag-ani ng sariwang tilapia si Rudy matapos dumaong ang kanyang maliit na bangka sa Kawit Loop Bridge sa Barangay Kaingen, Kawit, Cavite. Ibinebenta niya ang kanyang huli sa abot-kayang presyo—₱300 kada balde para sa maliliit na tilapia, ₱1,000 kada balde para sa katamtamang laki, at ₱1,500 kada balde para sa malalaki. Araw-araw na umaasa si Rudy sa kanyang pangingisda upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at makapagtinda ng sariwang isda sa palengke ng Kawit, Cavite. Text and Photos by Mike Taboy

