— PhilSA
Ni Tracy Cabrera

BAGUMBAYAN, Lungsod Quezon — Bumuo ang Philippine Space Agency (PhilSA) ng isang mapa na nagpapa kita kung gaano kalayo kumalat ang usok matapos ang sunog sa landfill sa Navotas na sumiklab noong gabi ng Abril 10, 2026.
Pinakita sa time-lapse map, na nilikha mula sa mga satellite image, ang mga hourly snapshot mula alas-7:45 ng umaga hanggang alas-3:45 ng hapon ng sumunod na araw, Abril 11.
Pinaliwanag ni PhilSA ad interim director general Dr. Gay Jane Perez na ang maiitim na kulay sa mapa ay indikasyon ng matataas na lebel ng nitrogen dioxide, na maaaring masukat sa araw gamit ang satellite data.
Sa kinaumagahan ng Sabado, naobserbahan ang mataas na nitrogen sa himpaoawid ng Navotas City, na ang elevated levels ay umabot sa Bataan sanhi ng kanlurang hanging mula sa lungsod.
Pagsapit naman ng kina hapunan ng araw ding iyon at bumaba na ang NO₂ concentrations subalit nanatiling mataas pa rin sa Metro Manila.
“Observations are consistent with reports and measurements on the ground that the air quality impacts of the landfill fire extended beyond the immediate vicinity,” nilinaw ng PhilSA.
“This demonstrates how satellite data allows for the monitoring of air quality, as well as other impacts on the environment,” dagdag pa ng ahensya.
ia/xf
