
MANILA — Ngayong Semana Santa, personal na nag-inspeksyon si PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., upang tiyakin ang maayos na seguridad sa buong Metro Manila—isang patunay ng kanyang hands-on na pamumuno.
Noong Abril 1, binisita niya ang mga terminal, simbahan, at iba pang pangunahing lugar upang suriin ang implementasyon ng mga security measures. Sa halip na umasa lamang sa mga ulat mula sa mga opisyal, siya mismo ang nag-obserba sa aktuwal na sitwasyon—kabilang ang presensya ng pulisya, kahandaan ng assistance desks, at alertness ng mga response teams sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at deboto.
Kasama niya sa inspeksyon sina PMGEN Anthony A. Aberin, PBGEN Rogelio I. Peñones Jr., PBGEN Arnold E. Abad, PBGEN Randy Glenn Silvio, at PBGEN Randulf T. Tuaño. Tumulong ang mga ito sa pagsusuri ng deployment at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang maayos na koordinasyon.
Ipinapakita ng inisyatibong ito na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang sa pagbibigay ng utos, kundi sa aktibong pakikilahok sa mga operasyon.
Sa ganitong paraan, mas tumitibay ang tiwala ng publiko na ang kapulisan ay handa at maaasahan sa panahon ng pangangailangan.
Sa ilalim ng temang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” patuloy na isinusulong ang serbisyong may malasakit sa mamamayan. ia/

