
NASAWI ang driver ng isang motorsiklo at isang driver ng isang sasakyan, habang sugatan ang angkas ng motorsiklo at dalawang pedestrian kabilang ang 5-anyos na estudyante ng Day Care at nagresulta rin sa pagkasira ng walong sasakyan makaraang nagkarambola ang mga ito nang mabangga ng driver ng isang Cargo truck ang sasakyan ng una sa Silang Cavite, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang namatay na si alyas Archie, 42 ng Puting Kahoy, Silang Cavite, driver ng isang Yamaha Mio 125 at alyas Christian, 44, driver ng isang sasakyan habang sugatan si alyas Josephine, 37, backride ng nasawi ng driver ng motorsiklo, pedestrian na si alyas Geraldine, 34 at always Kenshin, 5-anyos, estudyante ng Daycare.
Kabilang naman sa nga sasakyan na nasira ang isang kulay itim na Mitsubishi Xander na may plakang NFM 3588 (V2); isang kulay itim na Honda ADV (V3); isang kulay extreme black na Toyota Fortune Na may plate no. Na Sam 04 (V4) isang kulay puti na Mitsubishi L300 na may plakang Dad 9824 (V5) isang kulay white na Kia SOLUTO na may plakang NHB 1831 (v6) ; isang kulay puti na Cherry Tiggo na may plakang NGC 2295 (V7); isang Mitsubishi Pajero na may plakang CSJ 740 (V8).
Pinaghahanp naman ang driver ng bumanggang sasakyan na isang kulay blue na Isuzu Cargo Truck Na may plakang RHW 532 na nakarehistro sa Balayan, Batangas na minamaneho ng di nakilalang driver matapos tumakas.
Base sa CCTV footage, lahat ng mga sasakyang sangkot ay binabagtas ang kahabaan ng northbound at magkakasunod sa nasabing lane sa kahabaan ng Sta Rosa -Tagaytay Road, Sitio Muzon Brgy Puting Kahoy Silang, Cavite na naganap bandang alas-7:20 kamakalawa ng umaga. .
Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente nabangga ng driver ng isang Isuzu Truck ang motorsiklo na minamaneho ng biktima at angkas nito at dahil sa lakas ng impact ay nabangga nito ang iba pang mga nakahilerang sasakyan .
Sa nasabi rin insidente, nabangga naman ng motorsiklo ang mga pedestrian dahilan upang tumilapon ang driver ng motorsiklo at angkas nito. na nagresulta sa kanilang malalang pagkakasugat.
Matapos ang insidente, patuloy pa ring umaandar ang minamanehong Isusu Cargo truck NG driver sa direksiyon ng northbound ng Sta Rosa City, Laguna subalit bumaba ang driver nito at tuluyang tumakas.
Dahil sa pangyayari, lahat na sangkot na sasakyan ay nagtamo ng sira sa kanilang mga sasakyan.
Patuloy pang pinahahanap ang driver ng Isuzu Truck. (Gene Adsuara)
ia/xf
