
TINUTUGIS ng pulisya ang dalawang kalalakihan na armado ng patalim at magka-angkas sa isang motorsiklo makaraang mang holdap sa isang Internet shop at tinangay ang P18K at mga gadgets nito sa Naic, Cavite, kamakalawa ng umaga.
Inilarawan ang mga suspek na magka-angkas sa isang kulay green na motorsiklong Yamaha Mio na tumakas sa direksiyon ng Tanza, Cavite
Batay sa CCTV footage ng Sky Hub Internet Cafe Na matatagpuan sa 2nd floor , R&E Commercial Building sa kahabaan ng Antero Soriano Highway bandang alas-11:11 ng umaga nang dumating ang dalawang suspek at nagkunwang customer at kunwari mapapa-Gcash, pero bigla silang naglabas ng patalim, tinutukan ang biktimang negosyante na si alyas Julieta, 57, at inutusan na pumasok sa comfort room ng internet shop.
Sa puntong yun, kinuha ng mga suspek ang dalawang iPads, isang iPhone 16 Pro Max, isang bag na naglalaman ng mga ID, credit cards at cash na nagkakahalaga ng P145,000.00 cash.
Matapos nakuha ang gusto, tumakas ang mga suspek at magka-angkas na sumakay sa motorsiklo sa direksiyon ng Tanza, Cavite.
Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek. (Gene Adsuara)
elamigo/xf
