
Pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr) at ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang bagong pasilidad na paradahan ng bisikleta at mga pasilidad para sa pampublikong transportasyon sa Alabang Public Market ngayong Miyerkules. Sinabi ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na bahagi ito ng layunin ng lungsod na maging mas madaling lakarin at magkaroon ng mas maayos at episyenteng paraan ng pagbiyahe ang mga residente.

