

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
— Juan 3:16
MAYPAJO, Caloocan City — Noong babad sa kasamahan ang sangkatauhan, naging desisyon ng Panginoong Diyos na linisin ang daidig sa salot sa pamamagitan ng baha—walang naiwang buhay kundi si Noe at ang kanyang pamilya at gayun din ang babae at lalaki ng mga uri ng hayop ng pinili ng Maylikha na siyang mamumuhay sa bagong mundo.
Ganito rin kaya ang nangyayari ngayong binabaha ang ating bansa?
Hindi nga ba babad na ang Pilipinas sa kasamahan din? Kung ililigid ang paningin, ano nga ba ang masasaksihan natin?
Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay salapi ang dinudiyos at nakalimutan na ang mangiling sa Maykapal na Siyang pinagmulan ng lahat.
Ang totoo, naging kaisipan ito dahil noong nakaraang taon, nabuking ang iskandalo ng flood control dahil sa malawakang baha na naranasan sa maraming bahagi ng bansa.
Para bang sinadya ng Diyos na lumaganap ang pagbaha upang ipakita ang pagnanakaw sa mga proyekto ng flood control ng matataas na opisyal ng ating gobyerno.
At ngayon nama’y muling bumaha, subalit sinabayan ng ‘dagat ng basura’.
Indikasyon ba ito na nais ng Panginoon na mabulgar na rin ang laganap na korapsyon sa basura?
Maraming beses nang nagbibigay ng mensahe sa atin ang ating Ama sa langit, dangan nga lang ay naging bingi at bulag ang karamihan sa atin dahil sa kabuktutan at materyalismo!
Napapanahon nang magbalik-loob tayo sa ating pananampalataya dahil kung hindi, lalo tayong malulugmok sa kasamaan at kahirapan.
Mangyari kaya ito?
Kailangan pa bang hintayin natin ang pagbabalik ng Panginoong Hesu Kristo upang magbago at maituring tayong muli na mga anak ng Diyos?
* * *
FOR your comments or suggestions, complaints or requests, just send a message through my email at cipcab2006@yahoo.com or text me at cellphone numbers 09171656792 or 09171592256 during office hours from Monday to Friday. Thank you and mabuhay!
ia/xf
