
We cannot stop natural disasters, but we can arm ourselves with knowledge: so many lives wouldn’t have to be lost if there was enough disaster preparedness.
— Czech supermodel and philanthropist Petra Němcová

MAYPAJO, Caloocan City — Mahalagang napaghahandaan natin ang anumang sakuna dahil sa ganitong paraan ay maaaring mabawasan ang pinsalang idudulot nito kung hindi man tuluyang mapipigilan o maiwasan sa pamamagitan ng mga hakbang na magbibigay ng proteksyon sa atin.
Magagawa naman natin ito kung may makakalap tayong sapat na impormasyon o datos para ma-predict ang inaasahang natural disaster tulad ng bagyo o lindol. Dito mahalaga ang bahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kaya nga inanunsyo ng ating mahal na alkalde ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na gumagamit sila ng AI (artificial intelligence)-powered drone na mayroong kakayahang i-forecast ang pagbaha hanggang dalawang oras bago ito mangyari.
Ayon kay ‘Yorme Isko’, mayroong artificial intelligence at 3D mapping capability ang naturang drone at sa pamamagitan ng nabanggit na kapabilidad, kaya ng drone na i-predict kung babaha sa isang lugar batay sa kuwentada ng buhos ng tubig, volume sa elevation ng lupa at kung na-map ang lahat ng drainage system sa maaapektuhan na area.
Mahusay… Bakit kaya hindi ito naisip ng iba nating mga alkalde?
Anyway, patungkol din sa pagresolba ng problema ng pagbaha, napabalitang ibabalik na raw ang flood control funds sa ating national budget. Dangan nga lang ay kailangang bantayan ng mabuti ang bawat project na popondohan.
Gayunman, nangako naman si House Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III na masusing susuriin ng House of Representatives ang panukalang pambansang budget para sa 2027 upang matiyak na ang bawat pisong ilalaan ay magdudulot ng konkretong pakinabang sa mga Pilipino.
Sa pormal na pagtanggap ng Kamara de Representantes sa 2027 National Expenditure Program (NEP), sinabi ni Dy na mananatiling sentro ng proseso ng pagba-budget ang kapakanan ng publiko alinsunod sa tema ng administrasyong Marcos Jr. na ‘People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future’.
Aniya, “Hindi sapat na sabihin kung magkano ang ginagastos (dahil) dapat maipakita kung ano ang nagagawa ng bawat piso (at) ang bawat (sentimo) ay dapat may katumbas na ginhawa para sa bawat (mamamayan).”
Sana nga . . . * * *
FOR your comments or suggest
ions, complaints or requests, just send a message through my email at cipcab2006@yahoo.com or text me at cellphone numbers 09171656792 or 09171592256 during office hours from Monday to Friday. Thank you and mabuhay!
ia/xf
