Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Sa naging desisyon ng Cebu City Regional Trial Court Branch 11, napatunayang guilty si Marie-Den Sarol Barbecho sa paglabag sa Section 4(a) at 4(b) ng Republic Act 10365 o ang Anti-Money Laundering Act of 2001.
Natiyak ito ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pagkakahatol kay Barbecho na napatunayan sa kaso ng money laundering sa Cebu City para sa kauna-unahang matagumpay na prosekusyon ng PDEA sa locally initiated drug-related financial crime case sa Central Visayas.
Sa ruling ng Cebu City RTC, nasentensyahan ang akusado ng isang taong kulong at inutusan din siyang magbayad ng multang ₱500,000 sa bawat kasong isinampa laban sa kanya.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, ang landmark ruling ay mahalagang breakthrough sa kampanya ng pamahalaan na sugpuin ang sinasabing “economic backbone” ng mga drug syndicate.
Nagawang patunayan ng prosekusyon na nailipat ni Barbecho, kahit wala itong trabaho o income, ang halagang ₱1.73 milyon sa iba’t ibang personalidad na tinuturong sangkot o may partisipasyon sa kalakalan ng iligal na droga.
ia/xf
