
Nagpatupad ng mahigpit na security measures ang Manila Police District (MPD) matapos lagyan ng concertina wire at mga container barrier ang kahabaan ng U.N. Avenue, Recto, Mendiola at Legarda sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules, Hulyo 1. Layunin ng hakbang na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lugar at pigilan ang pagpasok ng mga raliyista kasunod ng inaasahang pagkilos ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) kaugnay ng isinampang reklamong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.

