
Umabot na sa libo-libo ang bilang ng mga kalahok sa biglaang pagtitipon sa People Power Monument sa EDSA, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Batay sa ulat, naitala ang pagdagsa ng mga rallyista bandang 6:45 ng umaga ngayong Martes, June 30.
Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon sa lugar habang inaasahang maaaring magdulot ng epekto sa daloy ng trapiko at seguridad sa paligid ng EDSA.
