
MANILA — Kinumpirma ng Malacañang na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni National Security Council (NSC) Adviser Eduardo Año.
Ayon sa ulat ng DZMM Teleradyo Radyo Patrol 630, inaprubahan ng Pangulo ang resignation ni Año matapos itong pormal na ihain sa Palasyo.
Wala pang inilalabas na detalye ang Malacañang hinggil sa dahilan ng pagbibitiw at kung sino ang posibleng itatalaga bilang kapalit sa naturang posisyon.
Patuloy na hinihintay ang karagdagang pahayag mula sa Palasyo kaugnay ng magiging susunod na hakbang sa National Security Council.
Elamigo/xf
