
IPINAG-UTOS NG pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang “full-scale probe” sa naganap ng Hazing sa loob mismo ng PNPA Academy sa Silang Cavite kung saan 22 kadete ang nakaranas ng pagmamaltrato mula sa tatlong upper class cadets nitong Abril 3, 2026 sa PNPA Acadeny Camp Castaneda, Silang, Cavite.
Ang tatlong suspek na sangkot ay nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sumasailalim sa inquest proceeding dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act of 2018.
Nang-ugat ang kautusan matapos ang isinagawang follow up operation ng CIDG- Cavite Provincial Field Unit matapos nakatanggap ng ulat hinggil sa umano’y pagmamaltrato sa mga kadete sa loob ng PNPA Academy .
Sa ulat, nagtamo ng mga paso at lapnos ang may 22 Fourth Class Cadets sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan, kabilang ang likod, binti at maseselang bahaging kanilang katawan makaraang pahiran umano ng tatlong Upper Class cadeta ng drain cleaner at muriatic acid gamit ng isang tootbrush ang mga kadete..
Nag-ugat ang insidente makaraang sisihin ng mga suspek ang mga fourth class cadets nang umano’y hindi nila pinigilan ang isa nilang kasama sa plano nitong pagre-resign.
Dahil dito, lahat ng mga aktibidades ng mga kadete sa loob ng PNPA ay sinuspinde para bigyang daan sa ginagawang imbestigasyon at upang masiguro na maigtan ang mga ebidensiya at maprotektahan ang kaligtasan ng mga kadete. (Gene Adsuara)
ia/xf
