
ARESTADO ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng tinatayang P360,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang suspek na si alyas “Norjannah” ng Brgy. San Manuel, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Dasmariñas CPS sa Brgy. San Manuel, Dasmariñas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 53 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P340,000, pati na ang buy-bust money.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Dasmariñas Component City Police Station. (Gene Adsuara) ia/xf
