Ni Tracy Cabrera

GSIS COMPLEX, Pasay City — Bilang suporta sa inisyatibo ng administrasyong Marcos na makamit ang energy stability para sa mahigit 1.98 milyong public sector workers, inilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Ginhawa Solar Energy Loan (GSEL) program, na idinisenyo upang isulong ang paggamit ng renewable energy, bawasan ang gastos sa kuryente, at tiyakin ang katatagan ng bawat empleyado ng gobyerno sa harap ng krisis.
Ayon kay GSIS president at general manager Jose Arnulfo ‘Wick’ Veloso, nakalinya ang programa sa mga layunin ng Executive Order No. 110, na nagbibigay daan sa whole-of-government response sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT). Ito ay naglalayong tugunan ang mga hamon sa sektor ng enerhiya at mapanatili ang economic activity sa bansa.
“By translating national policy into a practical, member-centered program, we will enable our members to shift to cleaner and more reliable energy sources while easing household expenses,” ani GM Veloso, habang nagpahayag ng optimism sa positibong reaksyon ng kanilang mga miyembro.
Sa loob lamang ng 24 oras, nakapagtala ang GSEL ng mahigit 1,200 loan applications na umaabot sa halagang ₱400 milyon, na sumasalamin sa lumalaganap na interes ng mga miyembro sa mga renewable energy solutions.
“The rollout of the Ginhawa Solar Energy Loan is our concrete contribution to the national effort to ensure energy stability while helping our members achieve long-term savings,” idiniin ni Veloso. “We are encouraged by the initial response and remain committed to delivering programs that align with national priorities and directly benefit our members,” dagdag pa ng opisyal.
Sa ilalim ng GSEL program, ang mga kuwalipikadong miyembro ay may pagkakataon na makautang ng hanggang ₱500,000 para sa instalasyon ng solar panel system sa kanilang tahanan. Ang mga loan ay may interest rate na 5% kada taon at maaaring bayaran sa loob ng limang taon sa pamamagitan ng 60 equal monthly installments.
elamigo/xf
