Ni Tracy Cabrera

May sapat na supply ng bigas at ibang pagkain sa isang pamilihan sa Kamaynilaan. (Larawan mula sa South China Morning Post)
MALAKANYAN, Maynila — Tiniyak ng pamahalaan na mayroong sapat na supply ng pagkain para sa lahat sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sanhi ng lumalalang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Ito ang hinayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Clarissa ‘Claire’ Castro-Seechung kasunod ng paniniguro ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. bilang tugon sa mga agam-agam ng maraming Pilipino.
Ayon kay Laurel ang supply ng pagkain ay hindi dapat pangambahan: “I can safely say that through June, even July, there is no issue on supply of almost everything.”
Ikinatuwiran ng kalihim na ang sapat na pagkain ay sinisiguro ng malaking imbentaryo ng National Food Authority (NFA) at kasalukuyang ani kaya hindi magiging problema ang supply ng pagkain sa bansa, partikular na ang bigas, karne at gulay.
Batay sa tala an ng NFA, Kasalukuyang may 400,000 metriko tonelada ng bigas na sapat upang sa lahat hanggang sampung ARAW. Inaasahan din ang mataas na harvest at dating ng mga imported na bigas upang pataasin pa ang pananatili ng stable rice supply sa bansa.
ia/xf
