
Ni Tracy Cabrera
BATASAN, Lungsod Quezon — ‘Not guilty’ ang mariing dineklara ni
dating House Speaker at Leyte First District representative Ferdinand Martin Romualdez sa arraignment ng ₱7.44 plunder case na isinampa laban sa kanya.
Marami ang nadismaya dito dahil sa obserbasyon ng mga kritiko ng administrasyong Marcos, may kinalaman ang pinsang buo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga iregularidad sa flood control project at sadyang may kaugnayan din ito sa sistema ng ‘kickback’ sa mga proyektong imprastruktura at iba pa ng gobyerno.
“Ang kapal ng mukha!” pahayag ng isang ginang na nakapanayam habang namamalengke ito sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila.
“Noon pa man wala akong tiwala sa kanya dahil elitista iyang si Romualdez at matakaw talaga sa pera,” sabi naman ng isang tindero. Naganap ang
arraignment makaraang maglabas ang Sandiganbayan ng aresto de mandamiento para dakpin ang kongresista kaugnay ng kasong plunder na hinain ng Office of the Ombudsman (OMB) sa anti-graft court. Batay sa reklamo, sinasabing tumanggap si
Romualdez at gayun din si dating Ako Bicol party-list representative Elizaldy ‘Zaldy’ Co ng mga ‘kickback’ at iba pang mga ‘financial benefit’ na umaabot sa ₱7.44 bilyon.
Galing umano ang mga ‘kickback’ sa ilang mga kontratista at ibang mga indibiduwal o entity na mayroong mga interest sa mga government project na pinondohan sa ilalim ng national budget ng bansa mula 2022 hanggang 2025.Tinukoy ang nabanggit na mga transaksyon sa
15 okasyon na ayon sa prosekusyon ang mga ‘kickback’ ay “delivered to properties owned, occupied by or associated with Romualdez and received by individuals allegedly acting on his behalf.” Ito nama’y mariing itinanggi ng dating lider ng Kamara de Representante at minintine na inosente siya sa anumang akusasyon. “I maintain my innocence,” buong-tapang na deklarasyon ng pinsan ni PBBM sa arraignment.
“I have always said that I will face the charges against me and answer them before the proper court. That has not changed,” dagdag pa ng mambabatas. Naospital si Romualdez simula noong Lunes ng nakaraang linggo matapos isilbi ng mga awtoridad ang
arrest warrant habang naka-confine siya sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. Sa ngayon ay inilipat na siya sa infirmary ng
New Quezon City Jail sa Payatas makaraang ideklara ng mga duktor sa Philippine General Hospital (PGH) ba “clinically stable” ang kongresista at dinitermina ring hindi na kailangan pang manatili sa confinement sa isang acute-care hospital.
ia/xf
