

If a country is to be corruption-free and become a nation of beautiful minds, I strongly feel three key
societal members can make a difference. They are the father, the mother, and the teacher.
— Former Indian president Avul Pakir Jainulabdeen Abdul Kalam
MAYPAJO, Caloocan City — Mas makakabuti yata kung ang pulisya na ang kumilos upang masawata ang kalakalang iligal na sigarilyo dahil noon pa ma’y laganap ito sa bansa—kahit noong ako’y musmos pa lang at sa mahabang dalampasigan ng Cavite ibinababa ang mga kontrabando ng mga smuggler galing dati noon sa Malaysia at Indonesia.
Nakakahiya man sabihin, noong mga panahon iyon ay sangkot ang ama ko dahil, bilang opisyal ng pulisya, umaakto siyang security escort ng sasakyan na lulan ng mga smuggled goods para walang huli sa kalsada habang bumibiyahe patungo sa pier para i-turn over niya sa mga tauhan ng Bureau of Customs noon.
Kaya hindi na bago sa ating pandinig ang pagkakasangkot ng mga kawani ng BoC sa smuggling.
At mayroon na naman tayong bagong impormasyon na natanggap. Binigyan pa tayo ng dokumento na siyang magpapatunay sa sinasabi nating alegasyon.
Tungkol ito sa isa sa dalawang kawani ng Bureau na sinampahan ng kaso ng Metro Manila Highway Patrol Group sa pagbebenta ng iligal na sigarilyo mula sa isang warehouse sa Santa Maria, Bulacan na kanilang sinalakay nitong nakaraang buwan ng Agosto.
Batay sa isang Customs Personnel Order (CPO), itinalaga pala ng pamunuan ng ahensya ang kawani nilang si Alexander ‘Alex’ Arroyo Jr. sa Customs House sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa totoo lang, malaking duda namin sa pagtatalagang ito dahil may sapat na bilang ng mga messenger ang BoC sa NAIA, kaya nagtatanong ang marami kung bakit pa nilagay sa pangunahing paliparan ng bansa si Arroyo, na ayon sa kanyang job description ay isang Administrative Aide 2 o sa simpleng termino’y messenger din lang naman!
Pero sabi ng aming insider sa airport, “Hindi pa nakapag-take oath of office iyang si Alex (dahil) kaka-submit pa lang ng requirements noong Agosto 10.”
Saad ng sa CPO: “Relative thereto, all the documentary requirements related to the attestation of appointment by the Civil Service Commission, as in the Checklist of Requirements to be sent by the Human Resources Division via electronic mail, must be compiled not later than 10 August 2026.”
Ngayon, balikan natin ang banggaan ng mga tauhan ng Customs at Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Nasa isang investigative report na isinumite kay Bureau Commissioner Ariel Nepomuceno na si Special Agent Lucky Joy Solmayor lamang ang mayroong valid mission order (MO) sa operation na ginawa sa warehouse, kaya kinukuwestiyon ng Customs Police-Enforcement Security Service kung bakit nandoon din si Arroyo.
Matatandaan nating nagsagawa ng raid ang HPG sa nasabing warehouse sa Santa Maria, Bulacan noong Agosto 19—mahigit isang linggo pa lamang makalipas ang pagsumite ng requirements ni Arroyo para sa kanyang puwesto sa BoC-NAIA.
Ang layo pala ng narating nitong si Arroyo—mula sa airport na dapat niyang pinagtatrabahuhan patungo sa Bulacan!
Gayunman, ano na naman kaya ang masasabi ni Commissioner Nepomuceno tungkol dito?
Hindi lang pala ang kanyang sasabihin ang dapat nating alamin.
Mukha na naman kasing nalusutan siya ng kanyang sariling tauhan gaya nitong 15 na trailer truck na may kargang smuggled na sigarilyo na naharang ng Central Luzon Police sa magkahiwalay na operasyon sa Bataan at Pampanga noong gabi ng Lunes, Setyembre 7.
Nagkakahalaga ito ng malapit sa isang bilyong piso at nagmula ito sa isang seaport sa Mariveles, Bataan.
* * *
FOR your comments or suggestions, complaints or requests, just send a message through my email at cipcab2006@yahoo.com or text me at cellphone numbers 09171656792 or 09171592256 during office hours from Monday to Friday. Thank you and mabuhay!
ia/xf
EDITORIAL DISCLAIMER: This commentary expresses the views and opinions of the author and does not necessarily reflect those of the publication, its editors, or management. References to allegations, incidents, or individuals are presented for purposes of commentary and public discussion and should not be construed as a finding of guilt or a definitive statement of fact. The publication does not intend to prejudge any person or case and respects the right of all concerned to respond.
