
PBNM Reportorial Team
HINAYAG ng mga sources mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na inalerto ng isang local official sa South Cotabato ang mga awtoridad na maaaring magdulot ng matinding pagbaha tulad ng sa Nepal ang iligal na hydraulic mining operation sa kontrobersyal na multi-bilyong Tampakan project.
Ayon kay Neil Ryan Escobillo, punong barangay ng Pulabato sa Tampakan, South Cotabato, naglabas ng babala ang Mines and Geosciences Bureau in Region XII (MGB-12) sa isinagawa nitong geological hazard at ito’y dahil umano sa pagdami ng mga illegal mining operation na tinaguruang ‘banlas’.
Tinatawag ding sluice mining, ang ‘banlas’ ay isang uri ng mapanirang pamamaraan ng pagmimina na kung saan binubuhusan ng maraming tubig ang ibabaw ng bundok upang maging madali ang pagbubungkal ng lupa at ma-extract ang gold ore, gamit din ang nakakalasong mercury.
Kinokonsidera ang ₱6 bilyong Tampakan mining project bilang pinakamalaking undeveloped copper and gold minefield sa Southeast Asia. Inisyal na ipinagbawal ang malawakang copper and gold open-pit mining venture subalit nagpatuloy ito makaraang alisin ang mining ban.
Ang developer ng proyekto ay ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI) at sinasabing ang mineral reserves dito ay aabot sa 15 milyong tonelada ng copper at 17.6 milyong onsa ng ginto. Itinakda ang development costs nito sa mahigit US$1.1 bilyon hanggang US$5.9 bilyon.
Sa kabila ng maaaring kitain sa proyekto, nagbabala si E
scobillo na kung ano ang nangyaring kalamidad sa Nepal noong Agosto 26, na kung saan hindi bababa sa 1,000 indibiduwal ang nasawi at 5,000 ang missing, ay maaaring maganap din sa South Cotabato.
Sa kaso ng Nepal, gumuho ang mga glacier at naharang ng landslide ang daloy ng ilog. Kahalintulad ito sa site geological hazard assessment na isinagawa noong Marso sa Sitio Campo Kilot sa Barangay Pula Bato.
“(The) introduction of artificial erosion through hydraulic mining further weakens slope integrity, significantly increasing susceptibility to landslides . . . an increased risk of flooding due to potential artificial damming and sudden release of accumulated materials,” pinunto ni Escobillo, na ex-officio member rin ng South Cotabato Sangguniang Panlalawigan na kumatawan sa Association of Barangay Captains ng lalawigan.
Idinagdag ng opisyal na bukod sa mg
a landslides bunsod ng operasyon ng mga ‘banlas’, pinalakad nito ang situwasyon sa pamamagitan ng pagguho ng lupa mula sa bundok na humaharang sa ilog na nagiging dahilan ng pagbaha.
Dahil dito, inirerekomenda na ng MGB-12 ang pinaigting na inisyatibo para patigilin ang mga ‘banlas’ operator at isulong ang rehabilitasyon ng mga lugar na nasira sanhi ng patuloy na pagmimina sa South Cotabato.
ia/mnm
