
MANILA, Philippines — Bagama’t madalas hindi napapansin, malaki ang naitutulong ng mga electronics technician sa mga pamilyang nais makatipid sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin. Sa halip na bumili agad ng bagong gadget o appliance, marami ang nagpapagawa muna ng mga sirang kagamitan upang mapahaba ang kanilang paggamit.
Makikita sa larawan ang isang flat-screen television na ipinagawa ng isang rider, sa halip na palitan ng bagong unit. Para sa maraming ordinaryong Pilipino, malaking bagay ang pagkukumpuni ng mga gamit sa bahay lalo na sa panahong kailangang pag-ingatan ang bawat piso. (Photo by Peter M. Lacang)
ia/xf
