Ni Tracy Cabrera

MALATE, Maynila — Hinatulan ang tatlong indibidwal sa magkakahiwalay na kaso ng money laundering gamit ang iligal na investment solicitation, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Hinayag ni AMLC executive director Atty. Ronel Buenaventura na naglabas ng hatol ang mga regional trial court sa Davao City at Zamboanga City laban sa tatlo kaugnay ng modus nilang mag-solicit ng mga investment mula sa publiko nang walang kaukulang regulatory authority.
Hinatulan ng Davao court ang isa sa 13 bilang ng money laundering na predicated sa mga paglabag sa Securities Regulation Code. Nag-ugat ang kaso mula sa mga aktibidad ng isang religious organization at mga founder nito, na kinasuhan ng illegal investment solicitation.
Napag-alaman ng AMLC investigating team na ang nahatulang indibidwal ay nakipagsabuwatan sa mga opisyal ng organisasyon upang gawin ang mga iligal na transaksyon.
Para sa bawat 13 bilang ng money laundering, pinatawan ang respondent ng 7 hanggang 8 at isang araw na pagkakakulong at multang ₱3 milyon sa bawat bilang.
Samantala, ang ikalawang conviction nama’y kaugnay ng dalawang indibidwal pa na may kinalaman sa isang trading company sa Zamboanga City. Hinatulan ang dalawa ng Zamboanga City RTC sa paglabag sa Section 4(b) ng Republic Act 9160, o ang Anti-Money Laundering Act of 2001.
Kasunod ito ng imbestigasyon sa isang trading firm na pag-aari ng isa sa kanila at ayon sa AMLC, nag-solicit ang kumpanya ng mga investment habang nangangako ng ‘malalaking return’ kahit kulang ito sa kaukulang secondary license at registration mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Pinatawan ang dalawang akusado ng ‘indeterminate prison term’ na apat hanggang anim na taon at multang tig-₱1.5 milyon.
ia/f
