Ni Tracy Cabrera

BARANGAY LA HUERTA, Parañaque City — Mabilis ang naging reaksyon ng pamahalaang lungsod ng Parañaque sa matinding pagbaha sa Baclaran na sanhi ng ‘dagat ng basura’ na inanod mula sa Manila Bay at personal na pinuntahan ni Mayor Edwin Olivarez ang mga nasalantang lugar upang pangunahan ang isinagawang relief at rescue operation ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Mayor Olivarez, ang pagbaha sa Baclaran at iba pang lugar sa lungsod ay dulot ng kombinasyon ng malakas na pag-ulan at high tide sa Manila Bay.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa mabilis na paghakot ng basura at pagpapatupad ng mga hakbang laban sa baha.
“Tayo ay nakipagtulungan sa Manila Metropolitan Development Authority at Department of Public Works and Highways para sa paghahakot ng mga basura at debris na naipon sa Redemptorist Water Channel sa Baclaran. Naipon at inanod ang mga ito matapos ang malakas na pag-ulan sa mga nakalipas na araw,” wika ng alkalde.
“Patuloy po ang ating Pamahalaang Lungsod sa pagsasagawa ng clearing operations at paglilinis sa ating mga waterways upang matiyak na patuloy ang maayos na daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha,” dagdag nito.
Sunud-sunod ang isinagawang paghahakot ng mga basurang inanod sa mga daluyan ng tubig at lansangan sa Baclaran pagkatapos ng masamang panahon dulot ng malakas na pag-ulang dala ng monsoon rains o Habagat.
Katuwang ng lungsod ang MMDA at iba pang ahensya upang maibsan ang epekto ng high tide at ulan.
Sanhi ng kalamidad, hinayag ni Olivarez na naghahanap sila ng mga permanenteng paraan upang masolusyunanan ang problema at nagpapatupad na rin sila ng mga flood mitigation measure sa pakikipagtulungan sa MMDA at ibang ahensya ng gobyerno.
Positibo naman ang naging Reaksyon ng mga residenteng apektado ng pagbaha at pinasalamatan nila ang alkalde sa personal na pagdalaw sa kanilang lugar upang pangunahan ang relief at rescue operation.
“Kudos to Mayor Edwin L. Olivarez for the service rendered . . .
More than 50 years na kaming nakatira sa Barangay Vitalez at sanay na kami sa baha, hindi namin minsan sinisi sa gobyerno ang baha, bagamat tao din po ang gumawa nito at ang gobyerno lang po ang gumagawa ng solution sa basurang itinapon ng mga tao.
Magtulungan po tayo, at huwag na pong magturo . . . basura niyo, linisin niyo at itago niyo, huwag ipaagos sa baha, consistent naman yung truck ng basura, parating naikot at merong oras . . . salamat po,” pahayag ni Rommel Santos Dauigoy sa kanyang post sa kanyang Facebook page.
Paghimok sa pagtutulungan naman ang naging mensahe ni Jeanel Parreno sa kanyang post: “Tuloy lng mga kapatid sa CENRO, andito lng kami na mga kasama nyo na nagdadasal pra sa kaligtasan at lakas ng pangangatawan nyo, alam nmin at ramdam din nmin ang hirap ng trabaho nyo mula umaga hanggang gabi, padayon lng mga kapatid 

”
Minungkahi naman ni Gi Na: “Just a suggestion po, as we see it po, bottomline BASURA din po ang one of the main reasons & causes po ng pagbaha. Kaya sana po tingnan din po natin ito as one of the LONG TERM SOLUTIONS po at hindi lang po ang Dredging.
Kung meron po talaga tayong maayos at STRICT IMPLEMENTATIONS on Rules & Regulations or ORDINANCE po when it comes to proper Wastes Disposals & Management ay isa na din po itong makakatulong na solusyon po sa ganito po paulit ulit lang po problema natin sa Baha.
Bata pa po ako ganyan na po, tumanda na po ako ganyan pa din po dito sa atin sa Paranaque. Wala pa din po pagbabago.
Kaya po sana ay magsimula din po sa bawat isa sa atin ang DISIPLINA po sana..
& please look into other more Feasible, Concrete & Permanent Solutions po (like Effective Drainage & Sewerage Systems, etc.) other than temporary & short term solutions po. Hindi yung kung kelan lang po andyan na ang Baha tsaka lang po sinosolusyunan.”
ia/xf
