
PASAY CITY — Isang bisita ang masusing sinusuri ang isang display firearm habang nililibot ang firearms exhibition sa pagbubukas ng iba’t ibang gun stores sa publiko sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, nitong Miyerkules, Hulyo 22.

Pinangunahan ni Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) President Aric Topacio ang pagbubukas ng expo, na naglalayong ilapit sa publiko ang mga lehitimong firearm dealers at palakasin ang kamalayan sa responsableng pagmamay-ari ng baril.

Binigyang-diin ng mga organizer ang kahalagahan ng tamang pagsasanay, mahigpit na pagsunod sa mga batas sa pag-aari ng baril, at ang pananagutan ng bawat lisensyadong gun owner sa paggamit nito para sa sariling seguridad at sa proteksiyon ng kanilang pamilya. Photos by Mike Taboy
ia/xf
