
Public service must be more than doing a job efficiently and honestly. It must be a complete dedication to the people and to the nation.
— Former United States senator Margaret Chase Smith
MAYPAJO, Caloocan City — For today’s topic, let me use the vernacular in speaking out our mind on what governance is meant to be . . .
Inilahad ng kaibigan nating si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang ginamit niyang blueprint para sa pagbangon ng Maynila mula sa malaking financial at budgetary deficit sa mahigit isang taon matapos magbalik bilang alkalde ng kabisera ng bansa.
Hinayag ito ni Domagoso sa Kapihan sa Manila Bay sa Cafe Adriatico sa Malate upang ipaliwanag kung paano niya nagawa na mapagtagumpayan ang mga problema sa pananalapi ng lungsod na kanyang minana sa nakaraang administrasyon na, ultimo ang bayarin sa koleksyon ng basura sa Maynila, ay napabayaan at hindi resolba ang obligasyon.
Ayon kay ‘Yorme Isko’, unti-unti nang nakakabangon ang lungsod mula sa krisis pinansyal matapos mabawasan ang malaking bahagi ng mga naiwang obligasyon, kasabay ng tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo para sa kanyang mga nasasakupan na Manilenyo.
Kabilang sa kanyang mga ‘accomplishment’ ay ang muling pagbubukas ng renovated na Emergency Room ng Ospital ng Maynila Medical Center, pagpapalawak ng programang YorMilk 2.0 para sa mga kabataang kulang sa nutrisyon at ang pagtatatag ng Housing Trust Fund para sa pangmatagalang programa sa pabahay sa mga walang sariling tahanan sa lungsod.
Kaya nga sa gitna ng maliliit na mga tagumpay na ito, nanawagan ang ating mahal na alkalde ng Maynila ng pagkakaisa at hinikayat din ang mga lider ng bansa na isantabi ang politika upang magtulungan para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Aniya, “maikli na lamang ang natitirang panahon (kaya) magtulungan tayo para sa kapakanan ng ating mga kababayan.”
Well said, kaibigan. Kasama mo kami r’yan, Yorme . . .
* * *
FOR your comments or suggestions, complaints or requests, just send a message through my email at cipcab2006@yahoo.com or text me at cellphone numbers 09171656792 or 09171592256 during office hours from Monday to Friday. Thank you and mabuhay!
ia/xf

