
Ipinaliliwanag ni PWD advocate Gem Tanyag ang kahalagahan ng paglahok ng mga persons with disabilities (PWDs) sa Milo Marathon Walk, Run and Roll, na gaganapin sa Hulyo 6 sa UP Diliman, Quezon City. Kasama niyang nakinig sa talakayan sina PSC Commissioner Walter Torres, para-athletics coach Joar Cavadones, at sign language interpreter Fever Sivilla Courage sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes, Hunyo 30, sa Rizal Memorial Sports Complex. Hinikayat ni Tanyag ang mga kabataang may kapansanan na makilahok sa aktibidad upang mapalakas ang kanilang kakayahan, magkaroon ng tiwala sa sarili, at mamuhay nang mas aktibo.
elamigo/xf

