
MANILA — Patay ang isang kelot nang pagbabarilin ng isang rider habang naglalaro sa kanyang cellphone kasama ang ilang kaibigan sa Dasmarinas City Cavite Martes ng gabi.
Isinugod pa sa Pagamutan ng Dasmarinas ang biktimang si alyas Renz subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa kanyang dibdib.
Inilarawan ang suspek na sakay ng isang kulay itim na motorsiklong Honda Click at nakasuot ng kulay itim na jacket, itim na helmet at maong pants.
Sa ulat, naglalaro ang biktima sa kanyang cellphone sa Cluster-O malapit sa gate ng Brgy Sta Cruz 1 Dasmarinas City, Cavite kasama ang kanyang mga kabigan bandang alas-9:50 ng gabi nang dumating ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang mabilis namang isinugod ang biktima sa ospital ng kanyang mga kaibigan subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Gene Adsuara)
ia/xf
