
TIKLO sa kisame ng bubungan ang isang hinihinalang akyat-bahay matapos na mabisto ang tangkang pagbaklas nito sa isang air-condition unit ng isang bahay sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite Sabado ng madaling araw.
Hawak ngayon ng GMA Municipal Police Station ang suspek na si alyas Yoko, 32, may live-in parner.
Sa ulat, nagsasagawa ng routine roving inspection ang mga miembro ng Barangay Pubic Safety Officer (BPSO) bandang ala-1:20 ng madaling araw sa Barangay Gregoria De Jesus, GMA Cavite nang namataan nila ang suspek sa aktong binabaklas ang window type aircondition unit sa bahay ng biktimang si alyas Tasyo, 62 sa Block 3 Lot 40, Bry Gregoria De Jesus GMA, Cavite
Ipinagbigay alam ng BPSO sa may-ari ng bahay at nagpaalam upang magsagawa ng inspeksiyon sa loob kung saan nahuli ang suspek sa kisame.
Nabatid na nakapasok ang suspek sa likurang bahagi ng bahay ng biktima sa pamagitan ng pagsira sa padlock nito. (Gene Adsuara)
ia/xf
