Ni Tracy Cabrera

MAYNILA, Pilipinas — Ilang lugar sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite at Rizal ang makararanas ng power at water interruptions ngayong linggo dahil sa mga nakatakdang maintenance works.
Power Interruption (Meralco)
Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), kabilang sa mga apektadong lugar sa Quezon City ang Barangay Sangandaan mula Abril 19 hanggang 20, sa pagitan ng 11:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. ng susunod na araw. Ito ay dahil sa line reconductoring at pagpapalit ng pasilidad sa Marcel Drive at Reparo Road.
Sa Filinvest 2 Subdivision, Batasan Hills, magkakaroon ng power interruption sa Abril 21, 9:00 a.m. hanggang 2:00 p.m. dahil sa line reconductoring sa ilang kalsada tulad ng Pratt, Gandhi, Atlas at Grant Street.
Sa Barangay Pinyahan, mawawalan ng kuryente sa Abril 22–23, 11:00 p.m. hanggang 11:30 p.m. at 3:30 a.m. hanggang 4:00 a.m. dahil sa line maintenance work.
Samantala, sa Barangay Holy Spirit at Pasong Tamo, may power interruption sa Abril 22–23, 11:30 p.m. hanggang 5:30 a.m. dahil sa line reconstruction at pagpapalit ng poste.
Sa Pasig City, ilang bahagi ng Barangay Kapitolyo ang mawawalan ng kuryente sa Abril 22, 9:00 a.m. hanggang 2:00 p.m. dahil sa poste replacement at line reconstruction sa Fairlane Street.
Batangas
Sa Batangas City at ilang barangay tulad ng Kumintang Ilaya, Kumintang Ibaba, Alangilan, Soro-Soro Karsada at iba pa, magkakaroon ng outage sa Abril 20, 12:00 a.m. hanggang 5:00 a.m. kaugnay ng konstruksyon ng Balagtas Flyover.
Bulacan
Sa Pulilan, Barangay Taal, apektado ang ilang lugar sa Abril 23, 10:00 a.m. hanggang 1:00 p.m. dahil sa line conversion at installation works sa Caingin Road.
Cavite
Sa ilang bayan at lungsod kabilang ang Alfonso, General Emilio Aguinaldo, General Trias, Magallanes, Maragondon, Naic, Tanza, Ternate at Trece Martires City, magkakaroon ng interruption sa Abril 20–21, 11:30 p.m. hanggang 11:59 p.m. at 6:01 a.m. hanggang 6:30 a.m. dahil sa construction ng Meralco Osorio Substation.
Sa Naic, Tanza at Trece Martires, pati ilang barangay, magkakaroon din ng maikling power interruptions mula Abril 21–25, parehong late night hanggang madaling araw, dahil sa iba’t ibang line works.
Rizal
Sa Antipolo City (Barangay Inarawan), mawawalan ng kuryente sa Abril 21, 10:00 a.m. hanggang 3:00 p.m. dahil sa line reconductoring.
Water Interruption
Manila Water
Sa Makati (Barangay Bel-Air), magkakaroon ng water interruption sa Abril 21–22, 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. dahil sa line maintenance.
Sa Taguig (Central Signal, South Signal at Western Bicutan), apektado ang ilang lugar mula Abril 21–24 dahil sa zero pressure testing activities.
Sa Rizal (Taytay, Cainta, Antipolo at Rodriguez), may iba’t ibang service interruptions mula Abril 20–24 dahil sa step testing, line meter replacement at line works sa ilang pangunahing kalsada.
Maynilad
Sa Maynila, ilang barangay sa Santa Cruz at Tondo ang makararanas ng water interruption mula Abril 19 hanggang 26, 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m., dahil sa leak exploration works.
Sa Caloocan City at Valenzuela City, apektado rin ang ilang barangay mula Abril 20–26 dahil sa network at leak maintenance activities.
Sa Imus City, Cavite, ilang barangay ang makararanas ng araw-araw na water interruption mula Abril 20–24 dahil sa mataas na water demand sa Patindig Araw pumping station.
Pinapayuhan ang mga residente na maghanda ng sapat na tubig at asahan ang pansamantalang abala habang isinasagawa ang mga maintenance activities.
ia/xf
