Ni Tracy Cabrera

MAYNILA, Pilipinas — Mahigit 80,000 pamilya ang makikinabang simula sa Huwebes, Abril 16, sa anim na buwang libreng bigas sa ilalim ng programang ‘Biyayang Bigas sa Maynila’ ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Ayon sa alkalde, layunin ng inisyatibo na masuportahan ang mga vulnerable sector sa lungsod na humaharap ngayon sa krisis sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa panayam ng SeniorTimes, hinayag ni Mayor Isko na ang ‘Biyayang Bigas’ program ay pinondohan sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) na tinanggap kamakailan ng lungsod.
Umabot sa ₱286 milyon ang inilaan para sa programa upang makapamahagi ng tig-10-kilong bigas para sa mga pamilyang residente ng Maynila.
Pinunto ni Domagoso na hindi lamang sektor ng transportation ang makikinabang sa ‘Biyayang Bigas sa Maynila’ dahil maging ibang mga sektor ay paglalaanan din ng tulong mula sa LGSF.
ia/xf
