Ni Tracy Cabrera

MABOT na sa 85 porsyento ng mga naantalang ‘balikbayan’ box mula sa mga overseas Filipino worker (OFW) at migranteng Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo ang naihatid na sa kani-kanilang destinasyon habang 732 abandonado pang iba sa Davao ang na-deliver na rin ng Bureau of Customs (BoC), ayon kay Customs commissioner Ariel Nepomuceno.
Bahagi ito umano ng direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mapabilis ang delivery ng mga padala ng mga OFW sa kani-kanilang pamilya.
Tinukoy ni Nepomuceno sa Kapihan ng Samahang Plaridel sa Rizal Park Hotel na isinagawa ang door-to-door delivery ng mga BalikBayan box nang walang anumang dagdag na bayarin sa mga benepisaryo dahil sinagot na ito ng ahensya bilang mabilis na paglutas ng usapin.
Sa kabuuan, umabot na sa 35,476 nama mga balikbayan box ang naihatidha sa buong bansa. Kabilang ng dito ang mga kahon mula sa Port ofpla Manila (PoM), Manila Internationalride Container Port (MICP), Port of Cebu (PoC) at Port of Subic (PoS) na patuloy pang dinadala sa kani-kanilang mga recipient.
Tiniyak ni Nepomuceno na paiigtingin pa ang koordinasyon at mga patakaran upang hindi na maulit ang insidente ng abandonment.
Ipinaliwanag ng Customs chief na ang naging problema sa mga naantalang mga ‘padala’ ay dahil sa kabiguang ihatid ang mga ito ng mga forwarder o trucking na kinontrata at binayaran ng mga nagpadala nating kababayan na nasa ibang bansa.
Mabuti na lang at may matino tayong hepe ng Bureau na ang tanging adhikaing ay ang tapat at taus-pusong pagsunod at pagtupad ng kanyang tungkulin sa publiko.
ia/xf
