
TINUTUGIS NG pulisya ang dalawang kalalakihan na suspek sa pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng isang kelot at pagkakasugat ng isa pa na nakasaksi sa Gen Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon.
Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas Rod habang isinugod naman sa Medicare Hospital si alyas Jian dahil sa tama ng bala sa katawan.
Sa ulat, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Section H Alley, Tropical Village, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite bandang alas-1:12 ng hapon nang dumating ang suspek na sina alyas John at alyas Wewe at nilapitan ang una at walang sabi-sabing pinagbabaril ito gamit ang di-nabatid na kalibre ng baril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Papatakas na ang dalawa nang nasaksihan ito ni alyas Jiian, kaya binaril ito at tinamaan sa kaliwang balikat.
Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa pagkakakilanlan sa suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo sa pamamaril. (Gene Adsuara)
ia/xf
