Ni Tracy Cabrera
DILIMAN, Lungsod Quezon — Magandang balita para sa mga commuter, simula ngayong Lunes, Marso 23, kalahati na lang ang ibabayad na pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit 2 (LRT-2) makaraang aprubahan ang 50 porsyentong diskuwento sa lahat ng mananakay.
Ayon kay Department of Transportation (DoTr) Secretary Giovanni ‘Banoy’ Lopez, ang pagbibigay ng discount sa mga pasahero ng MRT at LRT ay bahagi ng hakbang ng administrasyong Marcos Jr. upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
Nilinaw din ng kalihim na mananatili ang kasalukuyang diskwento para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWD) at mga estudyante—basta gumagamit sila ng beep card.
Kaugnay nito, ang mga regular na pasahero na mayroong beep card ay awtomatikong makatatanggap ng 50 porsyentong discount habang sakop din ng parehong diskuwento ang may mga single-journey ticket.
elami/xf
