
NASAWI ang isang bebot matapos malunod habang sinasaklolohan ang mga nalulunod niyang mga kaibigan sa isang ilog sa Trece Martires City kamakalawa ng hapon.
Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si Cielo subalit idineklarang dead on arriva.
Sa ulat, bandang alas-4:45 kamakalawa ng hapon nang naglalakad ang apat na magkakaibigan sa gilid ng Don Bosco, Sitio Lawa, Brgy Cabuco, Trece Martires City Cavite nang aksidente umano silang nahulog sa ilog.
Nang nalulunod na ang mga ito, tinangka umanong saklolohan ng biktima subalit siya rin umanong ang nalubog at tuluyang nalunod.
Ilang rescuer ang naghanap sa biktima kung saan siya natagpuan sa pinakamalalim na parte ng ilog kaya nang naiahon ay mabilis na Isinugod sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay .(Gene Adsuara)
ia/xf
